Marksmanship

04/05/2010 § Leave a comment

Nakakasa
sa kanyang kamay
ang bolang
sa mga pins ay magpapatumba.

Tinitigan ng mabuti,
tinantya,
ang kanyang mga kaaway,
habang unti-unti,
ay lumalapit.

At
sa isang iglap,
buong lakas,
pinakawalan
ang panira.

Ngunit walang tinamaan,
tila umiwas
ang kanyang mga kalaban.

Ang mga pin
ay matatag
na nakatindig,
at nakatayo pa rin.

At umulit ito
ng umulit
ng umulit
ng umulit
ng umulit.

Hanggang sa
panghuling bola.
Hindi inaasahang
tinamaan ng bola
ang mga pins.

Nakakagulat,
at sabay-sabay
na nagsitumbahan
ang mga tinamaan.

At dahan-dahan
sila’y nilamon
papasok sa dilim,
ng makina.

Buong tuwa
n’yang binilang
ang mga kaaway
na tumumba:
43

Pagkasulat ng
kagilagilalas na iskor,
s’ya ay napalingon.
At tumambulad sa kan’ya
ang mas dumami
na pins.

[Marso 19, 2010, pagkatapos ipasa ang PE kong duck pin bowling at makapanood ng balita (hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang pinublish : /)]

Tagged: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Marksmanship at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: