Ang Bagong Pangulo at ang Bagong Harang

03/07/2010 § 4 Comments

Nakita ko ang malaki at puting tarangkahan sa Mendiola, nasa likod ito ng barikadang gawa sa matatalim na barbed wire. “Mendiola Peace Arch” ang mga binubuong salita ng mga kulay-pilak na titik sa may taas nitong bahagi. Sabi ng isang kakilala ay ito na ang ika-limang tarangkahang itinayo sa Mendiola; hindi ako sigrado sa sinabi n’yang ito. Palibhasa’y hanggang doon lamang ako sa may estatwa ni Roces nakakaapak.

Hunyo a-trenta noon, takdang araw ng panunumpa ng ikalawang ‘Aquino’ na magiging pangulo.

Sa isang gilid ng nakakasugat na barikada ay isang munting lagusan na pinalilibutan ng, siguro’y, sampu hanggang labing-limang pulis. May isang matabang pulis (Heneral ‘ata) ang nakikipagusap sa isang grupo ng mga lalaking mukhang probinsyano.
Mga magsasaka pala iyon, na probinsyano rin naman dahil galing pa raw sila (narinig kong sabi nung isa sa kanilang pangunahing nakikipagusap) sa malalayong probinsya; sa Southern Tagalog, sa Central Luzon… Narinig ko ring kaya pala sila nakikipagusap ay nais nilang makapasok sa bagong gate, makita ang kakapanumpang pangulo, makipagusap sandali, at magbigay sa kanya ng isang dokumento. Ang laman daw ng mga dokumento ay ang mga “kagyat na kahilingan ng uring magsasaka” na mahalaga raw malaman ng pangulo para matugunan.

Alas-dos ng hapon sila nagsimulang ‘makipag-negosasyon.’ Papalit-palit na ang pulis na humaharap sa kanila, pauilit-ulit na din ang kanilang paliwanag. Ang sabi ng mga pulis ay sila na lamang daw ang magaabot ng dokumento sa pangulo, pero hindi ito matanggap ng mga magsasaka. Ang sabi nila’y kahit escort-an sila ng mga pulis, kahit limang minuto lang; kailangan nilang maayos na maipaliwanag ang laman ng mga dokumento at pisikal itong maiabot. Tutal (sabi ng “Radyo Anakpawis” na tawag nung isang lalaking nagsasalita, gamit ang kanilang sound system na nasa loob ng isa sa kanilang mga sasakyan, sa kanyang sarili) matagal na naman na itong problema ng mga magsasaka sa lupa, kaya siguro naman, karapat-dapat lang na bigyan ng kahit kaunting oras ang mga lider (yung halos labing-limang magsasakang pangunahing nakikipagusap sa mga pulis) nila na makipagusap at magpaliwanag sa bagong presidente.

Pero katulad ng Mendiola Peace Arch, ang mga pulis ay patuloy na nakaharang sa mga magsasaka. Tatlumpong minuto bago mag-ala-sais ay hindi pa rin pinapapasok ang mga magsasaka. Bago na ang mga mukha ng mga pulis na nakabantay sa kanila. At kitang-kita na ang pagod na nadarama ng mga lider magsasaka (na nagmartsa pa pala mula UST hanggang Mendiola) dala ng parang walang patutunguhang pakikipag-usap at parang wala ring saysay na paghihintay.

Ala-sais na. Kailangan ko nang umalis sa Mendiola. Nakakalungkot mang isipin na hindi ko na makikita kung bubuksan ba ang Mendiola Peace Arch para sa mapayapang mga magsasaka, kailangan ko nang umuwi.
Pagdating sa bahay ay nanood ako ng TV. Nakakagulat na hindi ko makita sa balita ang Mendiola Peace Arch, walang balita tungkol sa mga mahigit dalawang-daang magsasakang nagpunta sa Mendiola. Nagulat din akong wala daw palang nabanggit tungkol sa reporma sa lupa ang bagong pangulo. Natawa ako nang marinig ko ang pagbibigay empasis nya sa mga wang-wang; ‘bakit kaya inuna pa n’ya yun?’
Mas lalo akong nagulat nang malaman kong sinabi ni Noynoy Aquino na bukas ang administrasyoon n’ya para sa publiko.

Samantala, ang Mendiola Peace Arch ay nananatiling nakasara.

[July 3, 2010, umaga; kinahapunan ay ikinulong ang 42 magsasaka na nag-vi-vigil; putang ina; hindi sila hinuli nung 30 para hindi matabunan sa mga balita ang inagurasyon ni abNoy; oo, badtrip ako; para nga pala ‘to sana sa 173 uli, hindi ko lang naipasa]

Tagged: , , ,

§ 4 Responses to Ang Bagong Pangulo at ang Bagong Harang

  • kimberly Paulo says:

    aus… like.

    pwede magcomment???,,
    “comment” ko ‘to ha….=]

    hay… may tamang proseso kc para sa repormang gusto nila… kung lahat ng problema idederetso sa pangulo para san pa ang mga local officials???? at ang mga batas???

    at bakit sa araw ng inagurasyon nila yun dinala??? at bakit doon? para tawagin ang atensyon ng lahat??? (okay. walang masama dun.. yata?)

    hmm… un nga lang,,, bakit ndi sila pinapasok??? banta sila sa kapayapaan ng pagdiriwang??? bakit kasi nung araw na yun pa????

    yung sa wang-wang… wala namang masama dun… isa un sa “plataporma??” nya e….

    iba na ‘to malayo sa post mo,komento lang:

    sana ndi maging negatibo ang lahat ng tao… pagbigyan natin c noynoy… iba sya sa nanay nya… iba ang pwede nyang magawa… “aquino” man cya,,, sana matanggap ng lahat na c NOYNOY ang bagong PANGULO… ndi siya si Corazon o c Benigno… ndi isang bagong gloria o erap…

    sana maging bukas ang isip ng lahat… dumaan tayo sa isang proseso sa isang botohan… MAJORITY wins, MINORITY rights.(tama ba?) tanggapin natin ang resulta… na sana nga ndi dinaya..

    irespeto natin ang taong nagrerepresinta sa atin ngayon… sya ang titignan ng ibang bansa… ndi man tama pero kung pano nya palalakarin ang administrasyon nya,,, ganon tayo titigan ng iba…. sa kalagayan natin ngayon, kailangang tanggapin na kailangan natin kahit papaano ang 2long ng ibang bansa….

    respeto lang naman eee… paano ka maiaangat ng isang taong napakababa ng tingin mo??? sa palagay ko,,, isa to sa naging problema ng ating bansa kaya kahit ilang presidente na ang dumaan parang wala paring nagbabago sa bansa natin… kasi sa bawat dumaan ung ugali natin ganun pa din.. iniisip natin na pera ng bayan lang ang habol nila lagi….e kung tutuusin ndi nga lahat nagbabayad ng buwis….. tsaka ndi lang sya ang nasa pwesto… ndi lang sya ang “HINALAL” natin… kung lahat ng nakaupo aaucn ang trabaho, baka gumaan ang lahat diba??? wag naman sa kanya lang ang sisi…..

    sana lang… pakiisip to… si NOYNOY ay isa sa mga naging matapang (gaya ng mga nakaraang pangulo at kandidato) para tumakbo… upang pag silbihan ang mga pilipino (kung ito nga ang hangarin niya) at upang harapin ang “LAGING MAINIT NA PAGTANGGAP NG MGA PILIPINO”(batikos). Isa sya sa mga nag-apply para buhatin tayo… iangat at ipakita sa mundo… Binubuhat ka nya kasabay ang iba… wag ka namang magpabigat pa… lahat naman ng nilatag nila(former presidents and officials) para sa ikabubuti natin… umasa at TUMULONG tayo na mangyari yon… (note: AT TUMULONG).

    ndi ako maka-noynoy..ndi ako naniniwala sa isang presidenteng nanalo dahil lang namatay ang kanyang ama’t ina na tumulong sa pilipinas(gaya ng sabi ng hist2 teacher ko) pero siya ang pinili ng nakakarami, ng masa… bilang paggalang sa lahat( sa ibang pilipino, sa konstitusyon, sa Pilipinas) tanggapin natin yon…

    ang problemang kinakaharap nya ngayon sa pag-upo at ang kinakaharap ng bawat Pilipino ay hindi nya gawa. ndi cya ang cause non… wag natin cyang cchin… parang dati na tayong may sakit.. at ito sya… isang bagong gamot ulit… nagpapangako ng kagihawaan gaya ng mga naunang GAMOT… wala naman cgurong masamang subukan diba? tutal naman, INFECTED na tayo… walang masamng UMASA ulit na gumaling….

    ————————–
    paxenxa… ang layo talaga… pero dito ko tinopak magtayp eee… hahaha…. nkakainis ka magsulat…. napapareact talaga ko…
    salute!=]

    • Em El Ar Ji says:

      ayan, ganito ang gusto ko! :D salamat sa comment. sige, lilinawin ko sa’yo lahat.

      matagal nang pilit idinadaan sa “tamang proseso” ang reporma sa lupa; bago pa mabuhay ang mga magulang natin pinoproseso na ito. pero dahil nga ang mga panginoong may lupa (na natural ayaw sa reporma sa lupa; hello. ba’t nga naman ibibigay ng panginoong may lupa ang lupa n’ya? di wala na syang lupa) rin ang kadalasang tao sa gobyerno ay walang nangyayari. besides, hindi lang puro rally ang nagaganap. syempre kasabay ng mga rally na ito ay ang legal na mga aksyon.

      oo, para tawagin ang atensyon ng lahat (na hindi nagtagumpay dahil tila nagkaroon ng news blackout at walang nagbalita ng nangyaring rali noong 30). para ipaalala sa lahat ang problemang panahon pa ng kastila natin “kinakaharap.”
      kung maalala mo lang yung kwento ni Kabesang Tales maiintindihan mo ko… basahin mo uli yun, ta’mo.

      banta sa kapayapaan? panong mangayayari yun? ano yun susuntukin nila si Noynoy? kahit gustuhin nilang gawin yon eh tiyak na matatakot sila sa dami ng gwardya ni Noynoy. di ba nabanggit ko na, nagpapaescort na sila, mapapasok lang.

      wala ngang masama dun, hindi ko naman sinabing masasma yun eh. ang sinasabi kong masama eh yung “pagkalimot” sa napaka-basic na repormang agraryo.

      ————————————————–

      wala pa namang tawag para patalsikin si Noynoy ah? hindi ito pagiging pessimistic. ito nga ay isang tangka at pagkilos para magbigay ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. hindi pa nga yon eh. ang basic lang, repormang agraryo para sa agrikultural natin bansa! bakit hindi nila ito maisagawa? agrikultural tayo tas import tayo ng import? dikta lang to ng US. hay. nakakasama ang pagiging Aquino nya dahil ang Aquino ay nagmamayari ng malalaking lupa na lumaki pa lalo dahil sa pakikipag-pamilya nila sa mga Cojuanco na kilalang crony noon ng mga Marcos. at kung ganiton panginoong may lupa ang pangulo, paano pa nga ba aasa ang mga magsasakang mabibigyan sila ng lupa?

      wala namang ihinahaing electoral protest. si Mar lang ang bitter, haha. tanggap namin na ganito pa lang abot ng kamalayan ng mayoryang Pilipino. pero hindi ito dahilan para itigil ang paghingi sa basic na karapatan ng mga magsasaka na magkalupa.

      hindi pa nga ito usapin ng pangulo eh. usapin ito ng sistema. nakita mo bang tumigil ang mga progresibong party-list gaya ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, at Kabataan na tumigil sa pagsisiwalat ng mga problema at pagkakamali sa kani-kanilang sektor sa pagbabago ng pangulo? hinde.
      dahil hindi ito usapin ng pangalang nasa puwesto, usapin ito ng sistema.

      kailangan ang tulong ng ibang bansa. okay sana kung tulong talaga at hindi utang. ang globalization ay nangangawawa sa maliliit na bansa at nagaalaga sa economically powerful. kung pro-globalization ka, kailangan talaga nating mag-usap. ikukwento ko sayo kung paano bumibili ng murang patatas sa Pilipinas ang US at nagbebenta dito ng mahal na potato chips. at kung paano ito nakakapatay ng lokal na industriya.

      hindi nga kako to usapin ng taong nakaupo, nung sistema. kahit sino pa yang uupo dyan, basta galing sa naghaharing uri (mga negosyante, panginoong may lupa, etc.) ang interes ng uri nya ang pangangalagaan nya. kahit pa isa-isa nating analisahin ang bawat isang pangulo ng Pilipinas, mapapatunayan ko sa yong lahat ng ito ay nagpasa ng mga batas na pabor sa uring kanilang pinanggalingan. at hindi ISANG mabuting presidente ang kailangan ng Pilipinas. “change comes from the bottom up” kailangan ng Pilipinas ng mas mulat at mas may-pakielam na masa, yung hindi lang sa balita sa TV kumukuha ng kaalaman, yung nagsusuri ng kasaysayan, atbp…

      bakit parang ang laki ng tiwala mo sa mga naging presidente? hindi kaya ito pagiging masyadong optimistic naman. alam mo, hindi dapat pessimistic o optimistic ang tao. dapat nakikita natin lahat, yung maganda at yung pangit. hindi yung sa maganda lang nakatingin. kasi kung ganon, walang lugar para sa improvement. katulad nito, ilang daang taong ganito na ang sistema sa lipunang Pilipino, pero wala namang nagbago. hindi ka ba naiyak nung nalaman mong applicable pa yung mga problemang hinain ni Rizal sa dalawang nobela nya noon, ngayon? di ba? ganoon naging failure ang ganitong sistema, atrasado. pyudal pa rin at kolonyal.

      tanggap nga namin yon. ang hindi lang matanggap ay yung naging pagsisinungaling. di ba sabi nya bukas sa lahat ang admin nya? pero bakit ganito? hindi rin tanggap yung paglimot nga sa lupa.

      hindi naman talaga sya bilang tao ang may kasalanan ng lahat ng problema sa Pilipinas. pero hindi maiaalis na parte sya nito. (bilang asyenderong sumalungat na ng ilang ulit sa tunay na repormang agraryo). oo, matagal nang may problema ang Pilipinas, matagal na rin tayong umiinom ng ganitong gamot (bagong Presidente), hindi kaya panahon na para matutunan nating mali ang gamot na iniinom natin? tulad nga ng noon ko pang sinasabi, ang isang maling equation, palitan mo man nang palitan ang variables, mali ang kalalabasang sagot. hindi ang pagbabago ng mga pangalan ang kailangan natin. ang sistema ang kailangang palitan.

      ————————–
      oye, salamat.
      masaya ko’t napaisip kita.
      by paragraph nga pala ang ginawa kong pagsagot, para walang maiwan, kaya ganyan.
      koment ka pa kung hindi kita nakumbinsi. :D

  • kimberly Paulo says:

    tama… matagal na nga… at hindi ko ‘to nasundan…at hindi na masusundan pa… parang kwentong nagpalipat-lipat… NADAGDAGAN AT NABAWASAN na….(sa palagay mo ba, ung napapancn mo, nalaman at naituro sayo ay totoo pa?)

    kung titignan wala ako sa posisyon para pumanig… pero kung ilulugar ko ang sarili ko sa pwesto ng mga may-ari ng lupa,,, gaya ng sinabi ko sayo dati… NATURAL sa isang tao na hindi ibigay ang kanya… “PINAGHIRAPAN ” ko to sa mabuti o masamang paraan man tapos hihingin mo??? pero tignan mo kasi, baka nga naman HINIHINGI lang…walang kahit na anong kpalit??? yun ung problema e… walang gustong magbigay daan.. both sides ndi nagkakaintindhan… makikinig namn cguro ung mga maylupa kung mapayapa ang pagkakalahad db? takot kc ung nangingibabaw sakanila(sa palagay ko), masyado na kcng galit ang nangingibabaw sa mga magsasaka… tapos may legal procedure na pala, bakit pa nagra-rally??? sori ha… ndi ko talaga maintindhan ang use ng pag-iingay sa daan… ang pagdala ng bawat hinaing sa kalsada… ang pagpapakita ng kasaklapan ng buhay nila… at hindi ba masyadong OA na ung ngyayari sa labas??? yung mga rally siguro noon masasabi kong puro… kc noon ndi naman literate( sori ulit sa term) ang halos lahat ng magsasaka kaya sa daan talaga dinadala. ee ngayon andami ng partylist na tumutulong sakanila. ndi ba cla nabgyan ng abogado? ndi ba nasbing ndi basta-basta bnibgay ang lupa na parang candy? Sa tingin mo, ndi kaya puro galit nalang ang pinupukaw sa kanila? parang :” uy tignan mo, ilang taon ka ng hunihingi ng lupa ayw pa din ibigay… tara mag-ingay tayo” db? parang mali.. matagal na ngang ipinangako ung lupa pero kamakailan lng sya dumaan sa tamang proseso db???

    naaalala ko pa cya… ilang take yun sa play natin eee..

    matagal na nlang natawag ang atenxon ng lahat.. sa palagay ko, narinig na ng lahat ang problemang yan. gaya nga ng sabi mo, panahon pa yan ng kastila. ilang taon na ang nakalipas???di naman ganon kabagl kumalat ang balita…db? pero tignan mo ulit,, ndi kaya tao naman ang nagsasawa? parang,”anu ba? anu bang gusto nyong tulong mula sa tao?oo na, awang-awa na kami. kung amin yon, iyo na. naririnig namin kayo. hirap na hirap na kayong magsaka. nmamatay sa gutom. galit na rin kami sa sistemang ito. galit na din kami sa nagpapalakad ng sistemang ito. anu ba? anung gusto nyo? magpatayan tayo? patayin namin yung mga landlord? sumigaw kami sa kalsada gaya nyo? maghunger strike at itigil ang buhay ng isang araw para maawa ang gobyerno at ibigay na sa inyo???” marlon, sa tingin mo ndi ba masyadong gamit na gamit na ang people power? sa tingin mo anong klaseng bansa na tyo??? sa palagay mo ano ng tingin natin sa sarili natin??? nakakatanga kc. gumawa tayo ng sangkatutak na batas tapos lahat dadalin natin sa kalsada. kung taga-ibang bansa ako at hindi na pilipino nakakahiyang sabhin pero sa tingin ko isa ang pilipinas sa pinakagagong bansa… kc wala na, tapos na ang pananakop. matagal na tayong pinalaya at BINAYARAN ng mga nanakop satin. pero tayo ganito padin iyak ng iyak. nag-aaway sa lupang sa atin naman.. nag-aagawan.. parang aping-api sa sariling bansa. sana, ndi nalng nila tayo pinalaya. mas magandang umiiyak tayo dahil hawak ng mga kastila ang lupa, kesa PILIPINO SA PILIPINO nag-aagawan sa lupa pgkatapos tayong iwan ng dayuhan.

    oo takot cla. banta sa kapayapaan. dahil nga wala ng kontrol eee, sobra ang emosyon ng mga magsaska. bilang pulis o militar, tungkulin mong proteksyonan ang pangulo at ang mamamayan.. sabi mo maraming gwardya si noynoy plus maemosyon ang mga tao. malay mo sa galit nila masapa nila si noynoy tapos yung gwardya aawatin cla, sasaktan din cla… edi para nanaman tayong gago.. nagsapakan sa araw ng paghahalal sa bagong pangulo. ndi cnsabing mananapak nga ang magsasaka pero diba, pulis ka, mas magandang pigilan mo ang isang krimen na mangyari kesa i-solve ang krimen pagkatapos…

    kinalimutan ba? baka ndi nya lang priority. nakakalungkot yun. pero un ehh…un ang cnabi nya… nalungkot nga din ako nung ndi nya snabi na tutulungan nya ang mga nakagat ng aso sa speech nya… kc may DOH naman cya… ano bang department ang sa lupa??? snabi naman nya db?? lahat ng naglilingkod ngayon, lahat ng nasa pwesto babantayan nya… dapat gawin nila ang trabaho nila…

    —————

    anung gagawin natin??? magfile ng divorce para sa kanila?? sa palagay mo madidiktahan cya ng mga cojuanco??? magsuggest kaya tayo sa kanya na itakwil nya ang kanyang pamilya at iwan lahat ng kayamanan nila.. pwede bang si noynoy lang… sya ang as pangulo? ndi sya aquino, ndi cya tito ni joshua o kapatid ni kris. pwede ba nating alisin sa kanya yon??? parang ako bilang BS AM lang at hindi friend ni marlon(gaya ng sabi nmo dati)… baka kasi pag ginawa natin yon apruban nya ang reporma?? ganon? ganun ba????

    mali. hindi “ganito pa lang abot ng kamalayan ng mayoryang Pilipino” kundi “ganito na kalakas ang dikta ng sistema.”

    “dahil hindi ito usapin ng pangalang nasa puwesto, usapin ito ng sistema.” ———- i agree… kaya nga sana walang nagsasabi ngaun na wala na tayong pag-asa dahil si noynoy ang presidente….at kung anu-ano pang trashtalk kung saan magaling ang lahat… hay….

    tama, ayoko ding nag-iimport tayo.. pero kakain ba ko ng pritong kamote??? gusto ko ba habang nanonood ng sine na manggang hilaw na cnasawsaw sa bagoong ang pinapapak?? sa totoo lang, hinde.. yun kc yun eee.. yung mga tao ang ngdedemand. tayo mismo ang ayaw tangkilikin ang atin. sa palagay mo ulit, kung mas gusto ng tao ang pritong kamote, mag-iinvest ba ang gobyerno sa potato chips??? hinde. kailangan ng gobyerno ang kumita, ang makakuha ng pera para sa mga “projects”(dapat) at pangbayad utang.. take note sabay dapat yan.. ndi yung bayad lang tayo ng bayad… kc pano naman ang phil. kung labas lang ng labas ng pera db? kaya dapat mag-invest. saan? sa may pera.
    gusto ko nga ding gayahin yung ginawa ng china dati ee… ung sleeping giant… kaso kaya na ba natin???

    so dapat bumoto tayo ng isang magsasaka?? teka… masyadong ideal ang gusto mo… kung ako ang magiging pangulo, sabagay yung mga may hinaing din sa harina ang pagtutuunan ko ng pancn… dun ako galing eee… dun ako mulat… so si mike enriquez ba pwede na?? joke to pero anu ba kc ang gusto mong palitan, bguhin o iimprove??? yung presidente, mamamayan o ang sistema??? lahat mahirap.. kasi ndi mo maipipilit sa isang ordinaryong tao ngaun na magbuklat ng mga textbooks, makinig sa radyo, manuod sa t.v at magresearch habang ang mga anak nya ay nanganganib magutom… abala ang mga tao kung pano mabubuhay… pano mo cla papatigilin at sbihing, TEKA! MAKINIG KAYO! BAGUHIN NATIN ANG SISTEMANG ITO… GUMAWA KA NG MABUTI AT NAAAYON PARA SA IBA….

    hindi malaki ang tiwala ko sa kanila.hindi naman to usapin ng tiwala… ni hindi pa nga ako bumoboto eee.. alam mo ding ndi ako optimistic… hindi ako naiyak pero nalungkot ako… kaso gaya ng nauna… anong gagawin natin??? sistema nga yung kinakalaban… alam ko yun.. pano??? ano na??? sisigaw na din ba ko sa klasada??? ok…kunyari mulat na mulat na ko sa problemang tinutukoy mo… tapos? after mo ko galitin,, ano na??? san mo ko dadalin??? eto na oh… yung galit umakyat na sa ulo ko… tapos? tapos? ano?san na tayo???

    so mali ung equation… ano sa tingin mo ang tama??? kasama sa equation ang pagrarally db??? so mali din yun?? mali ang lahat… mali ang sistema… nabubuhay ako sa mali… walang gamot… pagbabago ang dapat…

    alam mo ba kung pano tayo magkakaron ng pagbabago??? pag nagpakamaty tayong lahat… pag tinigil natin ang paggalaw… paghuminto tayo sa paghinga… pag wala na….

    —————————————-

    • Em El Ar Ji says:

      walang nagbago.
      pyudal pa rin at kolonyal ang Pilipinas. pyudalismo, panahon pa ng kastila, kolonyalismo din. anong nagbago? naging “legal” lang sila pareho dahil sa pagkakaroon ng gobyernong ang iniintindi ay ang yaman nila.

      ano ba namang klase yan.. pasensya ka na ha, pero tingin ko kailangan mong magbasa ng mga ideya ng mga pilosopo ng panahon natin; matagala na kasing na-address yung mga worries mo.. anyway, paanong magbibigay daan ang mga magsasaka eh sila ang napagsasamantalahan sa kasalukuyang sitwasyon? bawat segundo may namamatay, dahil sa kagutuman. samantalang ang mga kaunting panginoong may lupa ay nagpapakasasa sa hindi naman sa kanila dapat na yaman. sinong dapat magbigay daan? at isa pa, tulad nga ng nabanggit ko, ang pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka ay hindi lamang para sa mga magsasaka. ito ay para din sa agrikultural nating bansa. pero ayaw ito ng mga PML (panginoong may lupa) dahl lang sa “maghihirap” sila? hindi ba pagiging makasarili na ito? ipipilit mo ang sarili mong interes kahit na alam mong nakakasama ito sa nakakarami? at tungkol sa pagra-rally. may lohika ang rally. ito ang pinakamataas na antas ng pagpapahayag na magagawa. paghingi ito ng tulong sa malawak na masa. kung ayaw mo ng rally dahil lang sa tingin mo’y alam na ng lahat ang problemang sinisiwalat nito, dapat ayaw mo rin sa mga patalastas sa TV. dahil, obviously, mas marami nang nakakaalam ng mga yon. ang rally ay paggawa ng dissonance sa panig ng mga naghaharing uri. kailangan ito dahil nasasanay na ang masa sa conformity, o yung pakikibagay na lang sa kung anong sinabi ng mainstream media. at masa yon. ang mainstream media ay kontrolado din ng iilang mayayamang pamilya, so, obviousl, sila rin ang may kontrol ng kamalayan ng masa. at ganyan nga ang ginagawa nila, nakikisimpatya sila sa masang “pineparahan” nila.

      yun naman pala eh. naintindihan mo kung bakit nya pinaslang yung prayle?

      bingi ka ba? isipin mo nga yang sinasabi mo. tulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, ang gumagawa ng batas ay mga PML din. ang CARP ay dinisenyo ni Cory para hindi ipamugay ang lupa sa Luisita. at hindi naman nawala ang hawak ng US sa tin eh. galing sa US ang military knowledge at equipment natin. ang politika din natin ay kontrolado nila. kung mapapansin mo, kung sinong hindi suportado ng US, ay nawawala; yung suportado, nananatili. bakit ganyan ang nakukuha mong mensahe? eh anong gusto mong gawin ng mga magsasaka pala, manahimik gayong alam mo naman palang namamatayan sila? ano, makibagay, makipagkompromiso sa mga PML na nilalamangan sila? kaya nga nila dinadala na sa kalye dahil wala ng silbi ang legal na proseso! mahirap bang intindihin yun? INUTIL ANG GOBYERNO. kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit? ang mga nagra-rally na to ay mga taong nawalan na ng pagasa at tiwala sa gobyerno. at bakit ba ang simpatya mo ay nasa mga PML at hindi sa mga magsasaka? sige, sasabihin ko sayong bias ako at pro-poor ako. ganito dahil hindi tayo pwedeng magpaka-neutral. may mga taong naapi, tutulong ka ba o hindi? ganun lang. wala naman medyo. kasi kung pipilitin mong i-balanse ang interes ng PML at ng magsasaka, para ka na ring pumanig sa mga PML “in times of oppression, and you chose to be neutral, you’ve just chosen the side of the oppressor.” sabi ni Desmond Tutu. dapat talaga may bias ka; parang pagka-bias mo sa mga magaganda kapag beauty pageant, sa mga matatalino kapag quiz bee. kailangan mo ng mamili.

      kailan nangyaring pumatay ang magsasaka? ang militar lang naman ang dumudukot at pumatay. pfft naman kung totoong iniisip mong magagawang saktan ng lider-magasasaka nang harapan si Noy. ang baba naman ng tingin mo sa magsasaka. nagiisip din sila. pwede ko ngang sabihin na mas matalino ang pagkakasuri nila sa lipunan kesa sa pagkakasuri mo, pati sa pagkakasuri ko. mga tao to na lubog sa kahirapan eh, alam nila, may karanasan sila.

      huh? kinukimpara mo ang reporma sa lupa sa pagkakakagat ng aso? hindi ka ba natangahan dun. anong pinagkaiba nila? 75% ng Pilipino ay magsasaka. ilang porsyento ang nakakagat ng aso? agrikultural ang Pilipinas, ano, canine din tayo? NECESSITY ang repormang agraryo sa kahit na anong lugar, at lalo na sa agrikultural na bansa. ang reporma para sa kagat ng aso, ano yan? parang tanga lang, parang lokohan lang. alam mo bang mga sinsabi mo? ako, kahit hindi ako masyadong maalam, alam ko ang kahalagahan ng lupa sa Pinas, bakit ganyan ang tingin mo sa reporma sa lupa, hay Kim…

      —————

      haha. hindi ano ba yan Kim. joke ba to? kasi kung hindi, mapapababa mo ang tingin ko sa yo… bakit ganyan ang pagtanggap mo. hahaha. hindi ko palagay na madidiktahan sya ng mga Cojuanco. kasi gusto nya rin ang gusto ng mga Cojuanco. natural, kung hindi nya ibibigay ang lupa, mananatili sayng mayaman, kung ibibigay nya, magihirap sya ng konte. ganon lang. tingin mo totoong iniisip nya ang mga magsasaka? pare, ako nang nagsasabi sayo, wala talaga tayong aasahang reporma kay Noy. subok na sya ng panahon, ang mga boto (boto lang kasi wala syang pinanukalang batas) nya sa kongresso at senado ay puro pro-PML. gusto mo, rebyuhin natin isa-isa? at besides, ang magandang tanong jan eh kung mapapakinggan ba sya ng mga Cojuanco. di ba? bilang pangulo at kapamilya, dapat, kung gusto nyang ipamigay ang lupa, mas madali na nyang magagawa, pero bakit hindi? di ba? kasi nga, simula pala lang ay interes din nya ang lupa.

      kaya nga! ganito na kalakas ang dikta ng sistema kaya ganito lang ang kamalyan ng masa. di ba? tamo si Imelda, GMA, at Bongbong nanalo pa. mantakin mo yun? eh mga kilalang taong nagsamantala ng posisyon to eh! hay, yan ang pagiging masyadong optimistic. haha.

      huh? parang contradictory. kung agree ka sa sinabi ko, dapat regardless ng presidente ay kontra ka sa anumang uri ng pangaapi. dapat saka ka lamang magkakaroon ng pagasa kapag ang nabago ay yung sistema na at hindi lang yung pangalan. di ba.

      hahaha. eh kasi nga pati ang kultura natin ay iniimport lang. hindi ba obvious kung gaano ka-kolonyal ang Pinas? bakit nga naman hindi manggang hilaw ang kainin mo sa sine? eh kasi wala namang artista at mayaman na gumagawa nyan. syempre, gusto mong tumulad sa mga idol mo na hindi kumakain ng manggang hilaw sa sine, kaya hindi ka rin kakain. besides, linunod na ng americanized products at culture ang merkado natin. panahon pa ni Quezon nagsimula yan. at ngayon, sobrang lala na. kasalanan ba ng masa na gustuhin ang french fries kaysa balut? hinde, yun ang kinalakhang nilang tama eh. ang sisihin mo yung nagpupumilit na tama yon.

      kaya nga hindi mo dapat minamaliit ang mga magsasakang nagrarali. kasi mga tao ito na pinagpalit ang buhay nila para sa tin. para baguhin ang sistemang lumalamon sa kultura, kaalaman at buhay natin. mga tao ito na nabubuhay para sa atin. para sa kin, sayo. mga tao ito na ginagawa ang hindi ko, at hindi mo magawa. mga tao ito na alam kung ano dapat ang prayoridad. mga taong nagtatanim ng aanihin ng mga henerasyong susunod sa kanila. mga taong hindi lamang sarili ang iniisip. mga taong alam at isinasabuhay ang tama.

      ayan, mas gusto ko yang ganyang moda na nagtatanong ka kung ano ang dapat gawin. mas ganyan dapat. haha. hm, magbasa ka sa wikipedia ng tungkol sa Marxismo, ta;s sabihin mo sakin ang palagay mo.

      sa pagaaral ko, sosyalismo ang nakikita kong sagot.

      simulan mo sa ganyan, pagtatanong. hindi yung hinuhusgahan mo agad ng may masamang implikasyon ang mga nagrarally. mas magtanong ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ang Bagong Pangulo at ang Bagong Harang at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: