Para Saan pa ang Pakiramdam

06/07/2010 § Leave a comment

Mabilis
ang paghakbang
ng iyong mga paa
sa itim na buhangin.

Ano mang pilit mo’y
hindi ka makatakbo.

Sa likod mo’y
mabilis ding humahabol
ang isang
nilalang.

Hindi mo alam
kung bakit ka n’ya sinusundan.

Sinubukan mong lumingon.

Nakita mo
ang maganda
at maamo
n’yang mukha.

Madilim pala; hinihingal ka.
Nakamulagat ang iyong mga mata.
Nakabukas ang iyong bibig.
At walang tigil
ang pagpunas
sa walang tigil mo ring pawis.

May naramdaman ka.

Mula sa iyong likod
papunta sa iyong harap.
May gumuhit
sa iyo.
May dugo
sa iyong damit.

Napatigil ka.
Napatigil ang pilit
mong pagmamadali.

Yinakap mo
ang itim na buhangin.

Umilit pa.
Umilit pa ang mga pagguhit.

Sinubukan mong lumingon.
Nakita mo
ang maganda
at maamo
pa rin n’yang mukha.

Sinubukan mong sumigaw.
Ngunit
ni alingawngaw nito
ay hindi bumalik.

Sinubukan mong gumalaw
ngunit
ayaw kang sundin
ng iyong braso,
bisig,
binti,
paa.

Patuloy
ang pagguhit.
Patuloy
ang tilamsik ng iyong dugo.
Patuloy
ang iyong pagsigaw.

Hanggang sa
hindi mo na
marinig ang iyong
sarili.

Hanggang sa
pati ang nakakasugat
at itim na buhangin
ay nawala na rin.

Sa huling pagkakataon
ay may nalasahan ka –
kalawang.

Hanggang sa
nawala
na lang ang lahat.

Gumising ka.
Gumising kang pawis na pawis.
At nakahiga sa madumi at
linalanggam na sahig.

Nakabukas ang TV
sa iyong harapan.
Balita.
May mga
katulad mong binabangungot.

[July 7, 2010, 1:30am; sabi ko magsusulat ako bago matulog eh; ito pa rin yung gusto kong sabihin dun sa isa ko pang naunang tula, kaso parang hindi ko maipahayag ng maayos, ewan ko kung mas okay ‘to, sana oo]

Tagged: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Para Saan pa ang Pakiramdam at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: