Beauty Queen

13/07/2010 § 6 Comments

Pinunit mo
ang isang pahina
sa isang magasin.
At pumasok
sa naturang
kwarto –
may nakatayong
babae.

Pinunit mo
ang mahabang
laylayan ng kanyang
pantalon.
At ginawa itong
maong na panty.

Pinunit mo
ang magkabilang manggas,
at neckline
ng t-shirt.
At ipinakita
ang kanyang braso
at mga suso.

Pinunit mo
ang patag
n’yang ilong,
ang kulay-atay
n’yang mga labi,
ang ligaw-ligaw
n’yang mga ngipin,
ang lumuluwa
n’yang mga mata,
at ang namumuting
n’yang anit.
At pinagmasdang
umagos ang dugo
mula sa blanko
n’yang ulo.

Pinunit mo
ang matitibay
n’yang suso,
ang butuhang
n’yang puwit,
ang lumalawlaw
n’yang tiyan,
ang dalawang maiikli
n’yang binti,
at, unti-unti, ang makapal at kulay-uling
n’yang balat.
At naalala mong muli
ang binebentang baboy
kanina sa palengke.

Tapos na.
Wala nang
mapupunit pa.

Ngumiti ka
at nagsimulang
manahi.

Mayamaya’y magiging
kahawig na n’ya
ang babae
sa pinunit mong
pahina
sa magasin.

[July 13, 2010; 2:16am; para sana sa UGAT; oye, sana mas graphic pa yung mga salitang ginamit ko, haha >_<]

Tagged: , , , ,

§ 6 Responses to Beauty Queen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Beauty Queen at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: