Pasintabi sa Langit

05/08/2010 § Leave a comment

Panginoong makapangyarihan
nais sana kitang pasalamatan;

salamat sa sibuyas,
sa kamatis,
sa pinya,
sa tabako,
sa asukal,
sa bigas,
sa lahat ng tanim na nagmumula
sa lupa – na ipinagkaloob mo sa amin.

salamat sa kape
sa gatas,
sa TV,
sa soft drinks,
sa sitserya,
sa sabon,
sa gamot,
sa lahat ng produktong nagmumula
sa pabrika – na itinayo mo para sa kabuhayan namin.

Nais sana kitang pasalamatan
nais sana talaga kitang pasalamatan,
ngunit,
ayokong dayain ang katotohanan –
wala naman sa amin ang lupa at mga tanim,
wala naman sa amin ang pabrika at mga produkto.
Ayoko talagang dayain
ang mga kapwa kong nasa ilalim mo –
sa kanila ako tunay na nagpapasalamat.

Ninais ko rin sanang humingi ng tawad
sapagkat hindi kaya ng aming sikmura
na makuntento sa Pancit Canton,
sa kamote,
sa asin,
sa tubig,
o sa kawalan;

o kung hindi kaya ng aming katawan
na manatiling buhay
nang walang tulong medikal,
nang walang masisilungan,
nang walang saplot,
nang walang kahit na ano.

Ninais ko rin sana talagang humingi ng tawad.
Ninais ko talagang ihingi ng tawad ang aming kahinaan.
Ngunit naalala kong nasa sa iyo pala
ang lahat ng kapangyarihan. Makapangyarihan
ka nga pala, makapangyarihan.

Kaya kung hindi mo magawa
ang mga bagay na kailangan,
amin na ‘yang kapangyarihang iyan,
at kami na ang gagawa ng hindi mo magawa.

[June 16, 2010; haha, dasal ata dapat ‘to kaso naging isang malaking “belat;” luma na, dapat ata sa UGAT ‘to eh, hm]

Class Pyramid

Tagged: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pasintabi sa Langit at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: