Para sa mga Makakalbong Reaksyunaryo

26/06/2011 § Mag-iwan ng puna

Marahas ang bawat isa
sa milyon-milyong patak
na sa bunbunan mo dadapo,
tiyak.

Malalagas ang mga alipores mong
dyaan nakakapit;
sila’y mauubos
– makakalbo ang iyong anit.

Ang masasamang damong
marahas naming binunot
ay babagsak sa walang hanggang
kami na naipon.

Sapagkat maiipon kami –
mas mabilis ang aming pagragasa
kaysa sa mga tangka mong pamumuksa.
Lilikha kami ng bahang lalamon
sa iyong mga paa, tuhod, balikat, hanggang
sa makubkob namin ang walang laman mong ulo.

Palulubugin ka namin sa malalim na baha.
Tatangayin ka ng aming pag-agos
kasabay ng aming paghawi
sa iyong mga harang.

Hindi mo kami mapipigil.
Hindi matatapos ang aming pagbagyo
hangga’t hindi bumabagsak
ang mapagsamantalang sistema
mong itinayo.

At sa aming paghupa,
sa iyong pagkawala,
ay sisinagan ng araw
ang isang malinis, patag,
pantay na lipunan.

[June 24, 2011; dahil sa joke sa Pugad Baboy na nakakakalbo raw ang exposure sa acidic na ulan, at syempre dahil sa walang patumanggang pag-ulan X_x]

Advertisements

May Tamod ang Sinaing mong Bigas

14/06/2011 § Mag-iwan ng puna

Matapos ang ilang buwang
(pagpapalaki, pagpapataba, pagtatanggol,
pagpapasuso, pagkakalinga, paghahanda)
pagbibigay-buhay sa binhi,

sa pagluwal sa palay
ay hindi ina nito ang aani

– dinudukot ito ng pedopilya para gahasain.

[Hunyo 14, 2011; mga 3 am; oyea! ang tagal ko nang hindi nakapagsusulat! haha; at, oo, ganito ka-“obscene” ang sistematikong pang-aabusong dinaranas ng mga magsasaka…]

Where Am I?

You are currently viewing the archives for Hunyo, 2011 at Akdaan.