Sakramento Uno

29/08/2011 § Leave a comment

at hindi natin ito ginusto

sa bawat
patak
ng tubig
na dumarampi sa ating
bunbunan

ay dumadaloy
	ang ating
                 pagtutol
n a k a p a n r i r i n d i
				   	          ang
ating
					          pag-iling

kasabay ang		pag-iwas
sa galing-langit
(mula sa mga binuksang bintana ng langit)
na tubig

hindi nya pinakikinggan ang ating
daing
patuloy ang kanyang pagbuhos
	     ang kanyang pagbuhos
	     ang kanyang pagbuhos
syang makapangyarihan
(pinakamakapangyarihan)
daw
na lalaki

sapagkat ipinagkanulo
tayo ng ating
Ama
- sa paanong paraan
pa nga ba, natin i t a t a w i d
na
hindi
nga
natin
ito
ginusto

subalit, meron nga
raw
tayong Kasalanan
kaya't nararapat
lamang na tayo ay-
:
:
:
:
:
:
:malunod
sa kamangmangan

at sa paglipas ng
uuunnnooosss ay bahaghari
raw
ang ating mamamasdan
- tama,
masarap titigan
ngunit di kailanman natin
ma(pang)hahawakan

tama, masarap matulala
sa mahikal
na pitong kulay ng pag-asa,
ng muling-pagkabuhay,
ng nakakasilaw
(nakakabulag)
na paglalaro sa mga ilaw,
kumpara sa
p/i/n/a/t/a/y
/p/i/n/a/p/a/t/a/y nating daigdig!

at Henesis
pa lamang ito
ng d a n t a o n g
Paniniwala sa
kalokohan…

[Agosto 29, 2011; binyag ng pinsan kong si Costly! haha]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Sakramento Uno at Akdaan.

meta

%d bloggers like this: