Paggamas

18/09/2011 § Mag-iwan ng puna

at nais niyang putulin maging ang uhay

siyang wala nang ipapapagupit pa sa kanyang ulo
siyang dayuhan sa bukid na kanilang inaangkin

puputulin niya maging ang uhay

ang mismong pinagmumulan ng kanin, ng buhay
ang mismong produkto ng lupang diniligan ng ating pawis, ng ating dugo

pinuputol niya
ang uhay

tumigil ka, tanga!
hindi ito isang laro sa PSP na pwede mong i-reset!
hindi ito isang Porsche na pwede mong ibenta ulit!

marahil nga ay wala nang magugupit pa sa kanya
ngunit hindi naman tayo mga barbero
tayo ay ang mga rebolusyonaryo
na makatarungang puputol sa kaniya//kanila –
silang mga pesteng damo!

at tayo na ang mismong hahawan ng
tuwid na pilapil.

[Setyembre 18, 2011; 00:45; para sa KALtas, haha, hinabol lang :D]

Advertisements

Where Am I?

You are currently viewing the archives for Setyembre, 2011 at Akdaan.