Ang Pagtatagpo

03/04/2011 § Mag-iwan ng puna

Okaaay, maiba naman tayo. Ito ay isang “screencap comic” – proyekto namin nina Ariane Domingo, Kim Pauig, Zion de la Pena, at Jhude Villadelrey (ang talagang ginawa ko lang dito ay page 10-13) para sa isang klase kay Vladimeir Gonzales.

Batay ‘to sa erotic-thriller na Basic Instinct at ang sequel nito. Wala naman sa amin ang idol si Sharon Stone pero sadyang mahilig ang grupo namin sa bold.

Gumamit nga pala kami ng espesyal na program para dito:http://plasq.com/products/comiclife/win.  Kung sakaling interisado kang gumawa ng online komiks o ano, maganda/madaling program yan na pagsimulan.

Kung interisado ka namang “mapanood” ang dalawang pelikula ni Sharon Stone na nabanggit, nang frame by frame, i-click mo lang ito: http://screenmusings.org/index.html. Pwede ring kung gusto mong gumawa ng screencap comics. :)

Ayun, dahil sa post na ‘to ay may bago na kong category! “Komiks” Baka kasi masundan pa ‘to bilang mahilig naman ako mag-drowing (hindi lang ng bold).

Nga pala, kung gusto mo (dahil mahirap i-view dito sa WordPress o dahil crush mo talaga si Sharon), pwede mo itong i-download in PDF dito: Ang Pagtatagpo

 

 

Advertisements

Where Am I?

You are currently browsing the Komiks category at Akdaan.